Mga Palatandaan ng Paghina ng Pandinig
1. Humihina ang pagdinig pagkatapos magtrabaho.
2. Kinakailangan pang sumigaw upang marinig ng ibang manggagawa.
3. Nahihirapang marinig ang kausap kung nasa lugar na maraming tao.
4. Malimit mapansin ng mga kaibigan at kasambahay ang lakas ng tunog kung nakikinig ng radyo at nanonood ng TV.
5. Nakakapagsalita ng napakalakas dahil sa mahina rin ang dinig niya sa sarili niyang boses.
6. Naririnig ang sinasabi ng kausap ngunit hindi malinaw ang ibig sabihin nito.
7. Kawalan ng kakayahang maulinigan ang ilang tunog tulad ng letrang "F", "S" at "T", ang huni ng ibon o tunog ng dahong hinahangin ay hindi marinig.


